Tuesday, January 23, 2007

THEY ARE THE REASON...


These two little ones are the reason kung bakit ako nangibang-bansa. Ang kinabukasan nila ang tanging priority sa aking buhay. Mula ng sila ay dumating sa mundong ito, nagbago ang lahat ng aking pananaw. Hindi na pansariling kapakanan ang nasa aking isipan.
Sila din ang dahilan kung bakit nakakaya kong tumagal dito sa ibayong dagat. Sapat na ang kanilang tawa, kanta ng bunso kong binata na at malaman na they are both doing great in school sa tuwing kami ay mag-uusap sa pamamagitan ng internet. Mga katagang "I missed you & I love you Daddy" na nagbibigay sa akin ng inspirasyon sa pang-araw-araw na trabaho.
Ngunit ilan ang tulad ko ang dahilan ng pangingibang-bansa? Siguro halos lahat sa atin ay kinabukasan ng pamilya ang dahilan.
Ngunit sa kabila ng dahilang ito, hindi ko nakakalimutan na mayroon pa akong isang tungkulin na dapat gampanan, ito ay ang pagiging isang Filipino. Tulad ng mga nakasulat sa iba kong post, hindi kailan man uunlad ang buhay ng Filipino kung ang ekonomiya ng ating bansa ay di mababago.
Ilang OFWs na ang sumubok na magnegosyo, ngunit kalaunan ay kinakain ng mas malalaking negosyo. Sino ang nakikinabang sa bilyong dolyar na remittance natin taon-taon? Walang iba kundi ang mayayamang negosyante. Mga negosyante na naka-upo din sa ating gobyerno. Mga taong gobyerno na ang sariling kapakanan ang nasa isipan, proteksyon sa kanilang yaman ang pangunahing dahilan ng pagtakbo sa larangan ng pulitika.
Bilyon Dolyar ang remittance na maaaring mismo tayong mga OFWs ang siyang nakikinabang at hindi ang dati nang mayayaman. Hindi ba't tuwing lalapit tayo upang mangutang ng karagdagang puhunan sa ilang bangko ay hindi natin pwedi sabihing "sampung taon akong nagpakahirap magpadala ng remittance thru your bank, baka pweding i-waive nyo ng konti ang requirements ko dahil nakinabang na kayo." Ngunit kung mismong tayong OFWs ang nagmamay-ari ng sariling bangko, hindi imposible na magkaroon ng ganitong pangyayari dahil isa ka sa mga nagmamay-ari nito.
Madami ang magsasabi na mahirap gawin ang aking suhestiyon, "ngunit hindi imposible" yan ang sagot ko sa kanila. Ang mahirap sa atin ay ang magkaisa at ito ang ikinatutuwa ng mayayamang negosyante dahil sa oras na mangyari ang suhestiyon na ito, malaki ang mawawala sa kanilang kinikita. Hindi lang malaki kundi siyam na milyong costumer ang mawawala sa kanilang negosyo.
Kung nagawa ni Muhammad Yunus ang kaniyang proyekto, bakit di natin ito tularan? Tulad ng sinabi isang CEO, to be a great entreprenuer you should know what you want to do and your objective, work hard and strive for it.
Nagawa na ng ibang tao, Pinoy kaya din natin ito. Unang hakbang lamang ay ang magkaisa tayo alang-alang sa 'REASON' kung bakit tayo isang OFW.

No comments: