Tuesday, January 30, 2007

WALA NA BANG IBA!!!




Mukhang walang mababago pagdating sa larangan ng pulitika sa ating bansa. Heto at naglalabasan na ang mga kandidato sa darating na election sa Mayo at ang masasabi ko; “SILA NA NAMAN!!!”.

This is how Philippine politics goes, pagkatapos ng ama, asawa naman. Pag hindi pwedi ang asawa siguradong anak ang ibabanat wag lang maalis sa pwesto ang kanilang pamilya. Minsan kapag ang ama ay congressman, asawa ay mayor, anak ay governor at ang tiyo ay senador. Wala na ba talagang ibang maaaring maglingkod sa atin kundi ang mga ito?

I have nothing against or anything on these politicians but sometimes I am wondering kung bakit walang nababago sa mga pangalan ng kandidato. Kaya pati takbo ng pulitika sa atin walang nababago.

Until now the sector of OFWs doesn’t realize how important their votes in Philippine politics today. It can and it will be the biggest voice among Filipinos. If only these sector of Philippine society can come together and form their own political party to change the eroding credibility of our politicians, there might be a bit of change.

On the last national election, there are dozen of OFW groups that filed their candidacy to get a congressional set. Trapos enjoyed this kind of division amongst our ranks. If this division goes on and on, we will never have a representative in Phil. congress and our voice will never be heard.

Kung hindi natin kayang gawin ngayong 2007 election, wag natin pilitin but what we can do is start organizing ourselves for the future election. Katulad sa US, katatapos lang ng election panibagong election na naman ang pinag-uusapan. Abala na agad ang bawat partido sa pagbuild ng kanilang kadidato.

Hindi tayo tulad ng mga artista na mayroong pangalang particular na sa masang Filipino. Tulad ng paggawa ng isang bahay, pundasyon muna ang ating gawin bago natin ilatag ang susunod na hakbang. Sa pagkakaroon ng matibay na pundasyon, magiging matibay din ang ating gagawing pagkilos.

We have the numbers but what we don’t have is the will and the ways to win. We have an objective but the ‘how?’ to reach the objective, wala sa atin.

Paano nga ba kabayan?

Friday, January 26, 2007

Patriotism & Nationalism


The Constitution provides that all educational institutions should “inculcate patriotism and nationalism, foster love of humanity, respect for human rights, appreciation of the role of national heroes in the historical development of the country," said Escudero.
Section 3 of Article XIV of the Constitution also declares that schools should teach "the rights and duties of citizenship, strengthen ethical and spiritual values, develop moral character and personal discipline, encourage critical and creative thinking, broaden scientific and technological knowledge, and promote vocational efficiency,” he said.
(taken from Inquirer News: Include patriotism, nationalism in RP textbooks urges solon.)

This will be a great move para sa ating mga Filipino. All I see from young Filipinos, especially dun sa mga nasa college, they are eyeing to go abroad and once na nakarating sila they never look back. Their minds are set to settle abroad for greener pasture, it means what they earn stays sa bansang kanilang pinuntahan, maybe a little will go back to our country but definitely most of their earnigs will be spent on the same country. Even my little son, at the age of 7 he wanted to go to US when he grows up.

As a father, I am trying my best to teach him patriotism and nationalism at his young age. Even though it is too early to say that he will understand what I am trying to tell him. But I am not pushing it hard. Ito ang isang tungkulin ko bilang isang magulang at isang Filipino and I hope other parents will do their share.

Tulad na lamang ng isang kaibigan dito sa Israel, sinasabihan niya ang kanyang mga anak na mag-aral na mabuti upang pagkagraduate ng mga ito ay makarating agad sa ibang bansa. Naniniwala siya na tanging ang pangingibang bansa ang paraan upang mabago ang takbo ng kinabukasan. Madami din dito ang nagnanais makalipat sa Canada or London dahil they have a chance to get an immigrant visa after a few years of staying in that country. And they are planning ahead to get their whole family to settle abroad.

Hindi ko naman masisi ang mga kabataang ito, they are losing hope sa mga kaganapan sa ating bansa. But instead of looking for an answer, they are running away from the problem. Working abroad and settling abroad are two different things. I hope young Filipinos will see it the way I see it.

As a parent, we can help and make it happen. Ituro natin sa mga ating anak na stepping stones lamang ang pangingibang bansa dahil kahit anong papel ang ipagkaloob sa atin bilang pagkilala as immigrant sa ibang bansa, Filipino pa rin tayo at panghabang-buhay na magiging isang dayuhan sa bansang ating titigilan.

"There is no place like home."

Thursday, January 25, 2007

Pighati Nang Isang Ina



(Don't know who wrote this but...ang galing at tumatalab talaga!!! Just change the title.)

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran, Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Ituloy mo ang pagbabasa ng kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga-rito, siguro talagang ganun. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, narape daw ako?

So tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siyang magsorry, lalo pa t kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka... may datung pa! Nakababaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako ng pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mbigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P***ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hongkong, Saudi at Israel ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhaya at kayamanan na itinabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak, wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak na naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa ri ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila kaso sila kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, ilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Lumipas na naman ang pasko, heto at bagong taon na naman, natatakot ako kung ano ang magiging kinabukasan ko. Ngayong lang usap-usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, binasa mo ang kwento ko.

Ay sorry, di ko pa pala nasabi pangalan ko...

PILIPINAS nga pala pangalan ko!


Wednesday, January 24, 2007

WORKING IN ISRAEL 101


Sa mga nagnanais na magtrabaho sa Israel bilang isang caregiver, ito ang lecture ko sa inyo upang malaman ninyo ang tunay na kalagayan namin dito. Para na din sa mga taong nais malaman kung ano nga ba ang trabaho ng isang caregiver sa Israel.

Placement fee: $4,500-$5000 minsan may mga ganid tayong kababayan na sub-agent na sisingil ng $5,500-$6,000 (sana tumubo sa kanilang katawan ang dolyar na kanilang kinikita). Ang naturang halaga ay ang kalakarang sinisingil ng mga agency at sub-agent nito. Iba ang legal na placement fee, pati ang inyong lingkod hindi malaman kung magkano ba talaga ang legal na placement fee.

Ilang taon ang contract: every year may renewal ng contract sa amo, but if you reach ang 4 years and 3months at biglang namatay ang amo mo, tigok na rin ang visa mo. It means kailangan patagalin mo ang buhay ng alaga mo kung more than 4years ka na.

Salary: minimum wage according to the agency at amo $550; but according to the law the gross is about $750 at ang net $650+. From the gross minimum wage the employer has a right to deduct the following: electric and water that you use while you are in their house (dahil stay-in ka), 100shekels na allowance na ibibigay sa iyo tuwing rest day mo, food na ipapakain sa iyo, at ang room rental dahil gagamit ka ng kwarto sa bahay nila. (akala ng marami libre ang mga ito dahil hindi ipinaliliwanag ng agency o ng mga hinayupak at gahamang agent na kaltas sa sahod ang lahat)

Job description: Caregiver meaning tagapag-alaga ng may sakit, matanda, lumpo, alhzeimer na matanda o kahit ano na nangangailangan ng taga pag-alaga. 1 patient=1 caregiver, ngunit kapag may asawa o pamilyang kasama sa bahay ang alaga mo, tiyak kasama sa trabaho yan. Ikaw ang maglalaba, magluluto, maglilinis ng bahay, mamamalengke at sari-saring pweding ipatrabaho sa iyo. Caregiver ba ang tawag dito o all around mucha-cha? kayo ang humusga.

Working Hours: Sabi sa contract at batas ang isang caregiver ay magtatrabaho lamang ng 10hours with 2hours rest. Ngunit kung live-in caregiver ka...alam mo na ang kasunod. Kung hindi nagpapatulog alaga mo, pasensya ka kung mapagtitiisan mo. Kung hindi mo kaya, ang sabi ni Michael V. "humanap ka ng amo...humanap ka ng amo...yo!"

Mababait naman ang mga amo. May among sobrang kuripot, kamatis, pipino at itlog ang alam lang ipakain sa kanilang caregiver kahit kinakaltasan ka para sa pagkain yun pa rin ang ipinakakain, magreklamo ka sa agency at saka pa lamang mababago...nang isang linggo at babalik ulit sa dati, di tulad ng amo ko na lahat na yata ng niluluto gustong ipakain sa akin. Kaya dun sa mga mag-aapply na medyo mataas ang timbang, swerte nyo dahil libre ang diet

Ang day-off dito ayon sa batas ay 36hours, pero ayon sa agency 24-26hours lang. Sabi ng Phil. Embassy ipatutupad na daw ang tama, kailan kaya mangyayari? buhay pa kaya ang amo ko? 2003 pa ang batas na yan...that was 3 years ago. Itinawag ko yan minsan sa embassy to verify...ako pa ang pinagalitan dahil tingnan ko daw sa contract dahil nakalagay dun...kaso sino ba ang gumawa ng contract? Hindi ba't the law applies to all? It means the law should be above the contract not the contract above the law.

May mga cases dito ng flying or using visa. It means you will use somebody's visa just to fly here but you will not get the job na naka-indicate sa contract mo, especially sa mga lalaki. Pagdating dito saka pa lamang maghahanap ng trabaho ang kawawang OFW. Maswerte ka kapag tinulungan ka ng Pinay agent at ng agency na nagparating sa iyo. May ilang malalakas ang loob nagpafile ng case at hinihingi pabalik ang bayad nila, sabay uwi sa Pinas.

Sana nakatulong ang post na ito sa mga taong nagnanais pumunta at magtrabaho dito sa Israel. So far, Caregiver situation pa lamang ang alam ko. May mga kababayan tayong Pinoy na nagtatrabaho sa Hotel sa Eilat, a tourist destination dito. I will try to interview one para maipost ko at malaman nating lahat ang kanilang kalagayan.

Lehitraot...shalom...shalom.

Tuesday, January 23, 2007

THEY ARE THE REASON...


These two little ones are the reason kung bakit ako nangibang-bansa. Ang kinabukasan nila ang tanging priority sa aking buhay. Mula ng sila ay dumating sa mundong ito, nagbago ang lahat ng aking pananaw. Hindi na pansariling kapakanan ang nasa aking isipan.
Sila din ang dahilan kung bakit nakakaya kong tumagal dito sa ibayong dagat. Sapat na ang kanilang tawa, kanta ng bunso kong binata na at malaman na they are both doing great in school sa tuwing kami ay mag-uusap sa pamamagitan ng internet. Mga katagang "I missed you & I love you Daddy" na nagbibigay sa akin ng inspirasyon sa pang-araw-araw na trabaho.
Ngunit ilan ang tulad ko ang dahilan ng pangingibang-bansa? Siguro halos lahat sa atin ay kinabukasan ng pamilya ang dahilan.
Ngunit sa kabila ng dahilang ito, hindi ko nakakalimutan na mayroon pa akong isang tungkulin na dapat gampanan, ito ay ang pagiging isang Filipino. Tulad ng mga nakasulat sa iba kong post, hindi kailan man uunlad ang buhay ng Filipino kung ang ekonomiya ng ating bansa ay di mababago.
Ilang OFWs na ang sumubok na magnegosyo, ngunit kalaunan ay kinakain ng mas malalaking negosyo. Sino ang nakikinabang sa bilyong dolyar na remittance natin taon-taon? Walang iba kundi ang mayayamang negosyante. Mga negosyante na naka-upo din sa ating gobyerno. Mga taong gobyerno na ang sariling kapakanan ang nasa isipan, proteksyon sa kanilang yaman ang pangunahing dahilan ng pagtakbo sa larangan ng pulitika.
Bilyon Dolyar ang remittance na maaaring mismo tayong mga OFWs ang siyang nakikinabang at hindi ang dati nang mayayaman. Hindi ba't tuwing lalapit tayo upang mangutang ng karagdagang puhunan sa ilang bangko ay hindi natin pwedi sabihing "sampung taon akong nagpakahirap magpadala ng remittance thru your bank, baka pweding i-waive nyo ng konti ang requirements ko dahil nakinabang na kayo." Ngunit kung mismong tayong OFWs ang nagmamay-ari ng sariling bangko, hindi imposible na magkaroon ng ganitong pangyayari dahil isa ka sa mga nagmamay-ari nito.
Madami ang magsasabi na mahirap gawin ang aking suhestiyon, "ngunit hindi imposible" yan ang sagot ko sa kanila. Ang mahirap sa atin ay ang magkaisa at ito ang ikinatutuwa ng mayayamang negosyante dahil sa oras na mangyari ang suhestiyon na ito, malaki ang mawawala sa kanilang kinikita. Hindi lang malaki kundi siyam na milyong costumer ang mawawala sa kanilang negosyo.
Kung nagawa ni Muhammad Yunus ang kaniyang proyekto, bakit di natin ito tularan? Tulad ng sinabi isang CEO, to be a great entreprenuer you should know what you want to do and your objective, work hard and strive for it.
Nagawa na ng ibang tao, Pinoy kaya din natin ito. Unang hakbang lamang ay ang magkaisa tayo alang-alang sa 'REASON' kung bakit tayo isang OFW.

Sunday, January 21, 2007

Elekzion na Naman!

Pagsikat ng araw kay gandang pagmasdan
Sa tuwing matutulog hinahangad magisnan,
Isang hangarin maging sino pa man,
Upang pangarap natin tunay na makamtan.

Ang umaga daw ay tanda ng pagsisimula,
Isang hudyat ng isang bagong pag-asa,
Ngunit ang pag-asa, kailan makikita,
Kung tayo mismong Filipino di nagkakaisa.

Ngayong 2007, eleksyon na naman,
Ang pagbabago kailan makakamtan,
Siyam na milyong OFWs walang kinatawan,
Upang boses sa Kongreso, madinig at malaman.

Hindi kaya tayo ay nahihimbing,
Sa ating pagtulog di na nagigising,
Mga nalilibang sa kanya-kanyang gawain,
Sapat na ang dolyar ay ipinadadala sa atin.

Gising KABAYAN ang aking sigaw,
Isang bagong umaga dapat nating matanaw,
Sapat ang bilang natin kung tayo ay magkakaisa,
Kaya nating baguhin ang takbo ng pulitika.

Hindi natin kailangan magpataasan,
Isang Organisasyon lamang ang dapat kakatawan,
Sa sektor ng lipunan na ating kinabibilangan,
Upang hakbang na pagbabago ay ating makamtan.

Saan ka man panig ng mundo naroroon aking Kabayan,
Pilipinas pa rin ang tatawaging bansang pinagmulan,
Buhay ay di uunlad kung bayan ay lugmok sa kahirapan,
Pakikiisa mo ay kailangan upang isang magandang umaga ay masilayan.

Technorati Profile

Friday, January 19, 2007

Isang Pagpugay

Pasensya na kayo mga Kabayan...bagong blogger ako at medyo nangangapa sa ginagawa kong ito..Nais ko munang magbigay pugay sa lahat ng tulad kong OFWs sa iba't ibang panig ng mundo.

Tunay na kabaynihan ang pagiging OFW, hindi dahil isa ako sa hanay na ito kundi dahil sa katotohanan na ang OFWs ang dugong nananalaytay at bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas. Bukod dito, hindi matatawaran ang ginagawang pagsasakripisyo tulad ng pagkakalayo sa pamilya ng matagal na panahon. Naniniwala po ang inyong lingkod na ang gabay o karanasang makasama ang mga anak habang sila ay lumalaki ay hindi kailan man maipagpapalit sa buong yaman sa mundo. (nagiging sentimental ako ngayon, tinamaan ako ng homesick paggising ko ngayong umaga)

Mabuhay ang buong sektor ng OFWs at ang kanilang pamilya...Sana ay maging maunlad ang buhay ng mga ito sa darating na panahon.

I am proud to be an Overseas Filipino Worker.

OFWs...Sleeping Giant ng Pilipinas.

Ang OFW ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang nagbibigay ng kunting kaunlaran sa ating bayan. Ngunit kung ating titingnan ang kalagayan ng buhay ng mga OFWs, tila yata mas madami pa ang bigo sa tagumpay.

Tila yata paulit ulit lang ang takbo ng kanilang buhay. Unang aalis ang ama upang magtrabaho sa abroad. Pag-aaralin ang kanilang mga anak at pagkatapos ng mga ito, sila naman ang papalit sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kung ating susuriin at aanalisahin, ang sektor ng OFWs ay isang pwersa na maaaring isang malaking factor sa pagboto ng tamang gobyerno sa darating na panahon. Sa kasalukuyan, mayroong 9 na milyong OFWs sa iba't ibang panig ng mundo, it means if we multiply it by 3 we have 27million votes kung magkakaisa ang mga ito. As I remember, 24million votes is enough to elect a president in the Philippines, kung hindi po ako nagkakamali.

Ngunit kung ating pagmamasdan ang nagaganap sa sekto na ito, walang pagkakaisa. Kanya-kanyang takbo ng buhay. Madami din ang walang pakialam o ayaw makialam sa sector ng lipunan, sapat na ang kumita ng dolyar at makitang nabibili ang kanilang gusto. Tulad na lamang sa Kongreso, walang kinatawan dahil sa daming gusto maging representative ang kanilang grupo, madami ang tumakbo sa nakaraang eleksyon. Bakit hindi bumuo ng pangkalahatang organisasyon upang isa lamang ang ibobotong representative ng lahat ng OFWs. Isa itong paraan upang magkaroon ng sapat na boses ang hanay na ito.

OFWs ang isang sektor ng lipunan na tatawagin kong sleeping giant ng Pilipinas. Ngunit kailan kaya tayo magigising upang magkaisa? Kailan tayo kikilos upang madinig ang ating boses sa lipunan? Hanggang kailan tayo matutulog at manatiling nangangarap?

Ikaw Kabayan, natutulog ka ba?