Tuesday, February 13, 2007

GOOD NEWS TO ALL OFWS IN KOREA

OFWs to gain from new labor laws in S. Korea
02/10/2007 04:33 PM GMA.net news

South Korea has passed three new laws to promote the welfare of foreign workers, labor Secretary Arturo Brion said Saturday.

The country's high court has also ruled that foreign workers on a training program would get minimum wage and retirement pay equivalent to their Korean peers. Brion lauds the new Korean labor laws and jurisprudence, saying these "will certainly benefit overseas Filipino workers (OFWs), including those who entered South Korea as industrial trainees."

"In behalf of the Philippine government and the families of OFWs in South Korea, I express my deep appreciation for the Korean government's efforts to protect non-regular workers, many of whom are foreigners including OFWs," Brion said.

The Philippines sent 9,975 Filipino workers to South Korea in 2005, up from 8,392 in 2004. Another 8,329 were deployed in the first six months of 2006.

Philippine labor attaché Rodolfo Sabulao said the new laws will take effect on July 1, 2007.

The new Contractual and Part-time Worker Protection Act provides legal basis for hiring contract workers for two years or less. Workers hired for more than two years will be considered full-time workers with open-ended contracts.

Also, the new law prohibits employers from requiring part-time workers to work beyond contracted hours without consent. It says employers may not discriminate against contract workers who perform the same type of work as regular workers do.

Contract workers who are victims of discrimination (wage or benefit-wise) may file complaints with the Labor Relations Commission.

The new Dispatched Worker Protection Act obliges employers to treat fairly dispatched or temporary workers supplied by staffing agencies. It further provides that dispatched workers employed for more than two years should be hired directly.

Employers who violate the law could be fined with up to 30 million won or about P1.5 million.

South Korea's New Labor Relations Act establishes the Commission for Discrimination Correction as part of the Labor Relations Commission, which will handle discrimination complaints.

Sabulao reported that South Korea has integrated the Industrial Training Program into the Employment Permit System that entitles foreign workers to full labor rights.

Some 12,000 Filipino workers who entered the program will benefit from the new laws, he said.
–GMANews.TV

Friday, February 9, 2007

GOOD LUCK TO ALL

Mukhang ang OFWs ay uhaw na uhaw sa pagbabago ng takbo ng pulitika sa ating bansa. Makikita ngayon na ang mga Bagong Bayani ng Pilipinas ay naglalabasan at kumakandidato sa darating na hangalan…este halalan. Magmula sa Town Councilor hanggang Senate position ay makikita mo na may kandidatong nagsasabing sila ang kumakatawan sa OFWs. Ang kanilang pinaghirapang yaman na nakalaan sa kinabukasan ng kanilang pamilya ay gagawing puhunan upang makamit lamang ang minimithing pagbabago at kaunlaran ng ating bayan.

Ang pagpasok sa larangan ng politika sa Pilipinas ay hindi dapat minamadali ganun din ang pagbabago na hindi nakukuha sa sandaling panahon. Ngunit sa aking palagay ay…

Una; kulang sa makinarya ang hanay ng OFWs. Walang natatangin organisasyon na maaaring derektang sumuporta sa mga kandidatong OFWs. Mismong ang malalaking political party sa ating bansa ay hindi binigyan ng pakunwaring slots ang kandidatong ito, kahit pakunwari lamang gawing isang guest candidate, ma-administrasyon o oposisyon.

Pangalawa; kulang sa pagpaplano ang kanilang ginawang pagkandidato. Hindi sapat na mayroon kang gagamiting pondo sa pangangampanya. Kung ang iyong pangalan ay Aquino, Lopez, Enrile, Pimentel, Ejercito o ano mang kilalang political clan, wala kang dapat ipangamba ngunit kung hindi ka nabibilang sa mga ito kailangan mag-isip muna ng isang magandang estratehiya upang makamit ang tunay na hinahangad. Hindi na kinakagat ng botanteng Pilipino ang pagsigaw ng pagbabago, hindi ito sapat!

Pangatlo; wala akong nakikitang derektang pagkakaisa sa mga political groups ng OFWs. Tulad na lamang noong nakaraang election 2004, sangkatutak… sangkatirba… sandamakmak… ang kumandidatong Party List Representative ng OFWs upang makaupo sa Kongreso, ano ang nangyari? Naiwan sa kangkongan ang mga kumadidationg political party ng OFWs, ni-isa sa kanila ay wala man lamang nakapasok sa Kongreso. Kung nagkaroon sana ng pagkakaisa ang hanay na ito, nasimulan na sana natin noong 2004 na magkaroon ng boses sa ating pamahalaan. Kanya-kanyang pataasan ng ihi, kanya-kanyang sigaw na sila ang kumakatawan sa hanay ng OFWs. Ang nangyari, tuwang tuwa ang malalaking political parties dahil nakasisiguro silang walang makapapasok at dahil dito walang kukontra pagdating sa bulwagan ng Kongreso sa mga Bills na kanilang ipapasok para sa kapakanan ng kanilang partido o nang sarili.

Madami pang dahilan ang maaaring pumasok sa ating isipan upang pigilan ang mga OFW candidate dahil parang sasabak sila sa isang giyera ng walang dalang sandata kundi ang paninindigan na tumulong para sa ika-uunlad ng Inang bayan. Ngunit ano nga ba ang ating magagawa kung ayaw makinig at di mahikayat na huwag munang kumandidato? Isang bagay lang ang dapat nating gawin, suportahan sila sa abot ng ating makakaya at maghanda sa susunod pang laban.

Sa lahat nang kandidato na nabibilang sa hanay ng OFWs, nawa’y makamit natin ang tagumpay at manalo sa darating na Mayo. At sa lahat ng botante, sana'y gamitin natin ang ating boto tungo sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.

Monday, February 5, 2007

I LEARNED MY LESSON


I posted a link ng ilang blogs na kapaki-pakinabang to be able na malaman ng iba na there are some sites worth seeing. Its not easy to recommend a blog site, kailangan alam mo talagang worth it ang pagrecommend mo. Unfortunately, may binura ako sa link ko. I just found out na ang blogger na inalis ko is not worth recommending.

Yes, he is good, smart and kwela. May sarili siyang kaharian na kanyang binabayaran. When I first met him, way back sa gov.ph, akala ko talagang ang puso niya ay for OFWs but I just found out na hindi totoo ang sinabi niyang "ginawa ko ang site na ito to help OFWs."

When I recommended his site, I was accused by him that I was acting as his agent. Would I earn some bucks recommending his site, for goodness sake, kahit singko di ako makikinabang sa pagrecommend. Buti sana kung bawat 'Click' ng site nya sa blog ko may pumapasok sa bank account ko.

Here in Israel, ilan lang Filipino ang may sariling computer. Their employer might have one but most of them are not allowed to use it. The only way to get some information is a weekly magazine. Ang tulad ko na part time columnist na may access sa internet, we tried to get some stuff na pakikinabangan ng Filipino community but it doesn't mean na swelduhan kami at malaki ang sahod namin. (kulang pang pambayad ng internet at phone bills) We just wanted to help the Filipino community by doing some noble work which is to share kung ano ang mababasa namin, balita man sa Pilipinas o kahit anong article na kapaki-pakinabang.

One day, I received a call from our associate editor at nagtanong siya kung saan makakakita ng articles na pweding pakinabangan ng ating mga kababayan. I told her to click one of my link sites, particularly yung binura ko, but I warned her na humingi muna ng pahintulot before she print an article. Then I also told her that I had dealings with this blogger before and I informed her kung ano ang deal namin noon so that she will not be lost dealing with this so called majesty. I did not intend to act as his agent and I would never act as one to anyone kahit kilala ko pa ang tao ng personal what more yung di ko talaga kilala.

My intention is cristal clear, nanghihinayang ako sa kanyang mga isinulat sa kanyang site, hindi nababasa ng mga tulad kong OFW, sayang lang diba. I wanted to share it to the whole Filipino Community here sa Israel thats the reason kung bakit ini-recommend ko ang site niya.

Meaning, mabubulok ang nakapost na articles sa kanyang site at di pakikinabangan ng mga OFWs na sinasabi niyang kanyang nais tulungan kaya darating ang araw siguradong mangangamoy ang kanyang kaharian.

I feel so disappointed sa kanyang accusation sa akin (acting as his agent? WHAT? Can you say that again? Did I hear you right?) Bakit nga ba may mga Filipinong nagsasabi na nais nilang tumulong ngunit hindi naman pala buong puso ang pagtulong na gustong ibigay. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil paurong ang kaisipan ng ilang OFWs lalo na yung may mga permanent residency or may dual citizenship, some of them act like they are above sa ibang Filipino kasi "green card holder".

Inilagay ko ang post na ito upang gisingin ang madami na hindi lahat ng nagsasabi na nais nilang tumulong ay totoo.

KABAYAN, magpakatotoo ka! Kung gusto mong tumulong sana bukal sa loob mo. Tunay na OFWs ang nandito sa Israel, ibig sabihin ng 'tunay' ay yoong galing sa masang Filipino, from the grassroots kung baga.

Thursday, February 1, 2007

TUNAY NA PAGLILINGKOD...DAPAT TULARAN


Press Statement
01 February 2007

Tanging Hangarin ni Cong. Erin Tañada:
Pagsilbihan pa rin ang mga Kababayan sa Ika-4 na Distrito

Lubos akong nagpapasalamat sa aking mga kasamahan sa Liberal Party sa matibay na pananalig nila sa aking kakakayanan upang maging bahagi ng natatanging senatorial slate ng Partido.

Sa gitna ng matinding hamon sa Liberal Party na harapin ang samut-saring mga isyung na kinasasadlakan ng ating bansa ngayon, naghuhumiyao din, sa kabilang banda, ang pagsusumamo ng aking mga kababayan na tugunan pa ang kanilang pangangailangan ng isang lider na tunay na magsisilbi sa kanila.

Ang pangarap na ibangon muli ang Ika-4 na Distrito ay nasimulan na sa aking termino. Ako ay nakakapagdala ng mga proyekto at serbisyo na nagbibigay naman ng kakaibang sigla sa mga bayan ng Atimonan, Alabat, Perez, Quezon, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag, Guinayangan, at Tagkawayan.

Sa nalalapit na eleksyon, ito pa rin ang hamon sa akin!

Hindi pa tapos ang laban ng aking distrito. Masyadong maiksi ang tatlong taon para pagsilbihan ang aking mga kababayan, marami pang dapat gawin at paunlarin. Pagtataguyod ng kalusugan, suporta sa edukasyon at pagsasagawa ng mga programang inprastruktura na pauunlarin ang pagdaloy ng mga natatanging produkto ng aking distrito.

Subalit, ang pagsisilbi naman sa mamamayang Pilipino ay hindi kailanman natatapos sa pagnanais kong manatili munang magsilbi bilang isang Kongresista sa Ika-4 na distrito.

Sa kabilang banda, nananatili sa aking adyenda ang pakikibaka para sa pagbawi ng coco levy fund na dapat sana’y nasa kamay na ng ating mga kababayang magniniyog at ang pagtataguyod ng interes at kagalingan ng mga mangingisda sa aking pagsusulong ng pag-amyenda ng Fisheries Code. Ito ay mga pambansang isyu na kailangan din harapin dahil interes din ito ng aking mga kababayang magsasaka at mangingisda.

Hindi kailanman mapapantayan ang aking kagalakan sa ibinigay na tiwala sa aking mga kapartido. Ngunit, sa aking pagtanggi sa nominasyon, baon ko pa rin ang tiwalang iginawad nila sa akin para ipagpatuloy ang mga simulain at mga hinaharap pang mga gawain para sa kaunlaran ng Ika-4 na distrito ng Quezon.

ERIN R. TAÑADA
4TH District, Quezon



Isang magandang halimbawa ang ginawa ng aking kababayang kongresista sa kanyang pagdecline sa nomination to run for senator.

Ang dahilan ng hindi niya pagtanggap sa nominasyon ay upang muling paglingkuran ang kanyang distritong nasasakupan. Mula sa kanya, hindi daw sapat ang isang termino upang maipakita ang tunay na hangaring maglingkod sa mamamayan. Pinili niyang muling kumandidato sa pagka-Kongresista ng ika-apat na distrito ng Quezon upang ang kanyang mga nasimulang proyekto ay maipagpatuloy at ang iba pangbalakin ay magkaroon ng katuparan.

Sana ay maging isang halimbawa ang ginawa niyang ito sa mga nagnanais kumandidato.

Madaming lumalabas na kilalang tao ang nagpapahayag sa pagkandidato ngunit hindi makita kung ano tunay na hangarin ng mga ito. Kung hindi ang paglilingkod ang tunay na dahilan, sana ay makonsensya sila at wag nang kumandidato. At kung hindi naman sila mapipigilan, sana ay magkaroon ng tamang pagpili ang mga boboto ngayong Mayo.

Hindi sapat na kilala mo ang isang kandidato kundi makita mo kung ano ang tunay na hangarin ng mga ito. Hindi sapat na sikat at kilalang tao ang isang kandidato kundi dapat ay alam natin kung may magagawa ang mga ito. Hindi sapat na oposisyon ang partidong kinabibilangan, kundi ang tunay na paninindigan na mapaglingkuran ang mamamayan.

Panahon na upang pumili tayo ng tamang kandidato ngayong darating na May election.

Tuesday, January 30, 2007

WALA NA BANG IBA!!!




Mukhang walang mababago pagdating sa larangan ng pulitika sa ating bansa. Heto at naglalabasan na ang mga kandidato sa darating na election sa Mayo at ang masasabi ko; “SILA NA NAMAN!!!”.

This is how Philippine politics goes, pagkatapos ng ama, asawa naman. Pag hindi pwedi ang asawa siguradong anak ang ibabanat wag lang maalis sa pwesto ang kanilang pamilya. Minsan kapag ang ama ay congressman, asawa ay mayor, anak ay governor at ang tiyo ay senador. Wala na ba talagang ibang maaaring maglingkod sa atin kundi ang mga ito?

I have nothing against or anything on these politicians but sometimes I am wondering kung bakit walang nababago sa mga pangalan ng kandidato. Kaya pati takbo ng pulitika sa atin walang nababago.

Until now the sector of OFWs doesn’t realize how important their votes in Philippine politics today. It can and it will be the biggest voice among Filipinos. If only these sector of Philippine society can come together and form their own political party to change the eroding credibility of our politicians, there might be a bit of change.

On the last national election, there are dozen of OFW groups that filed their candidacy to get a congressional set. Trapos enjoyed this kind of division amongst our ranks. If this division goes on and on, we will never have a representative in Phil. congress and our voice will never be heard.

Kung hindi natin kayang gawin ngayong 2007 election, wag natin pilitin but what we can do is start organizing ourselves for the future election. Katulad sa US, katatapos lang ng election panibagong election na naman ang pinag-uusapan. Abala na agad ang bawat partido sa pagbuild ng kanilang kadidato.

Hindi tayo tulad ng mga artista na mayroong pangalang particular na sa masang Filipino. Tulad ng paggawa ng isang bahay, pundasyon muna ang ating gawin bago natin ilatag ang susunod na hakbang. Sa pagkakaroon ng matibay na pundasyon, magiging matibay din ang ating gagawing pagkilos.

We have the numbers but what we don’t have is the will and the ways to win. We have an objective but the ‘how?’ to reach the objective, wala sa atin.

Paano nga ba kabayan?

Friday, January 26, 2007

Patriotism & Nationalism


The Constitution provides that all educational institutions should “inculcate patriotism and nationalism, foster love of humanity, respect for human rights, appreciation of the role of national heroes in the historical development of the country," said Escudero.
Section 3 of Article XIV of the Constitution also declares that schools should teach "the rights and duties of citizenship, strengthen ethical and spiritual values, develop moral character and personal discipline, encourage critical and creative thinking, broaden scientific and technological knowledge, and promote vocational efficiency,” he said.
(taken from Inquirer News: Include patriotism, nationalism in RP textbooks urges solon.)

This will be a great move para sa ating mga Filipino. All I see from young Filipinos, especially dun sa mga nasa college, they are eyeing to go abroad and once na nakarating sila they never look back. Their minds are set to settle abroad for greener pasture, it means what they earn stays sa bansang kanilang pinuntahan, maybe a little will go back to our country but definitely most of their earnigs will be spent on the same country. Even my little son, at the age of 7 he wanted to go to US when he grows up.

As a father, I am trying my best to teach him patriotism and nationalism at his young age. Even though it is too early to say that he will understand what I am trying to tell him. But I am not pushing it hard. Ito ang isang tungkulin ko bilang isang magulang at isang Filipino and I hope other parents will do their share.

Tulad na lamang ng isang kaibigan dito sa Israel, sinasabihan niya ang kanyang mga anak na mag-aral na mabuti upang pagkagraduate ng mga ito ay makarating agad sa ibang bansa. Naniniwala siya na tanging ang pangingibang bansa ang paraan upang mabago ang takbo ng kinabukasan. Madami din dito ang nagnanais makalipat sa Canada or London dahil they have a chance to get an immigrant visa after a few years of staying in that country. And they are planning ahead to get their whole family to settle abroad.

Hindi ko naman masisi ang mga kabataang ito, they are losing hope sa mga kaganapan sa ating bansa. But instead of looking for an answer, they are running away from the problem. Working abroad and settling abroad are two different things. I hope young Filipinos will see it the way I see it.

As a parent, we can help and make it happen. Ituro natin sa mga ating anak na stepping stones lamang ang pangingibang bansa dahil kahit anong papel ang ipagkaloob sa atin bilang pagkilala as immigrant sa ibang bansa, Filipino pa rin tayo at panghabang-buhay na magiging isang dayuhan sa bansang ating titigilan.

"There is no place like home."

Thursday, January 25, 2007

Pighati Nang Isang Ina



(Don't know who wrote this but...ang galing at tumatalab talaga!!! Just change the title.)

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran, Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Ituloy mo ang pagbabasa ng kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga-rito, siguro talagang ganun. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, narape daw ako?

So tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siyang magsorry, lalo pa t kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka... may datung pa! Nakababaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako ng pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mbigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P***ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hongkong, Saudi at Israel ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhaya at kayamanan na itinabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak, wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak na naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa ri ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila kaso sila kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, ilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Lumipas na naman ang pasko, heto at bagong taon na naman, natatakot ako kung ano ang magiging kinabukasan ko. Ngayong lang usap-usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, binasa mo ang kwento ko.

Ay sorry, di ko pa pala nasabi pangalan ko...

PILIPINAS nga pala pangalan ko!