Friday, February 9, 2007

GOOD LUCK TO ALL

Mukhang ang OFWs ay uhaw na uhaw sa pagbabago ng takbo ng pulitika sa ating bansa. Makikita ngayon na ang mga Bagong Bayani ng Pilipinas ay naglalabasan at kumakandidato sa darating na hangalan…este halalan. Magmula sa Town Councilor hanggang Senate position ay makikita mo na may kandidatong nagsasabing sila ang kumakatawan sa OFWs. Ang kanilang pinaghirapang yaman na nakalaan sa kinabukasan ng kanilang pamilya ay gagawing puhunan upang makamit lamang ang minimithing pagbabago at kaunlaran ng ating bayan.

Ang pagpasok sa larangan ng politika sa Pilipinas ay hindi dapat minamadali ganun din ang pagbabago na hindi nakukuha sa sandaling panahon. Ngunit sa aking palagay ay…

Una; kulang sa makinarya ang hanay ng OFWs. Walang natatangin organisasyon na maaaring derektang sumuporta sa mga kandidatong OFWs. Mismong ang malalaking political party sa ating bansa ay hindi binigyan ng pakunwaring slots ang kandidatong ito, kahit pakunwari lamang gawing isang guest candidate, ma-administrasyon o oposisyon.

Pangalawa; kulang sa pagpaplano ang kanilang ginawang pagkandidato. Hindi sapat na mayroon kang gagamiting pondo sa pangangampanya. Kung ang iyong pangalan ay Aquino, Lopez, Enrile, Pimentel, Ejercito o ano mang kilalang political clan, wala kang dapat ipangamba ngunit kung hindi ka nabibilang sa mga ito kailangan mag-isip muna ng isang magandang estratehiya upang makamit ang tunay na hinahangad. Hindi na kinakagat ng botanteng Pilipino ang pagsigaw ng pagbabago, hindi ito sapat!

Pangatlo; wala akong nakikitang derektang pagkakaisa sa mga political groups ng OFWs. Tulad na lamang noong nakaraang election 2004, sangkatutak… sangkatirba… sandamakmak… ang kumandidatong Party List Representative ng OFWs upang makaupo sa Kongreso, ano ang nangyari? Naiwan sa kangkongan ang mga kumadidationg political party ng OFWs, ni-isa sa kanila ay wala man lamang nakapasok sa Kongreso. Kung nagkaroon sana ng pagkakaisa ang hanay na ito, nasimulan na sana natin noong 2004 na magkaroon ng boses sa ating pamahalaan. Kanya-kanyang pataasan ng ihi, kanya-kanyang sigaw na sila ang kumakatawan sa hanay ng OFWs. Ang nangyari, tuwang tuwa ang malalaking political parties dahil nakasisiguro silang walang makapapasok at dahil dito walang kukontra pagdating sa bulwagan ng Kongreso sa mga Bills na kanilang ipapasok para sa kapakanan ng kanilang partido o nang sarili.

Madami pang dahilan ang maaaring pumasok sa ating isipan upang pigilan ang mga OFW candidate dahil parang sasabak sila sa isang giyera ng walang dalang sandata kundi ang paninindigan na tumulong para sa ika-uunlad ng Inang bayan. Ngunit ano nga ba ang ating magagawa kung ayaw makinig at di mahikayat na huwag munang kumandidato? Isang bagay lang ang dapat nating gawin, suportahan sila sa abot ng ating makakaya at maghanda sa susunod pang laban.

Sa lahat nang kandidato na nabibilang sa hanay ng OFWs, nawa’y makamit natin ang tagumpay at manalo sa darating na Mayo. At sa lahat ng botante, sana'y gamitin natin ang ating boto tungo sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.

2 comments:

jeorge said...

hindi ko masyadong maintindihan kung sino ang tinutuligsa mo--mga OFW ba o ang mga pulitiko/partylist na nagkukunwaring maka-OFW? Anyway,FYI: may organisasyon naman na tunay na naglilingkod sa interes ng mga OFW-- ito ang MIGRANTE. At may partylist din sa kongreso na tunay na magtataguyod interes ng mga OFW at mga pamilya nito--->> ang GABRIELA WOMEN'S PARTY (GABRIELA)....Iboto ang partylist na GABRIELA WOMEN'S PARTY!!!

ranie ashe said...

Kabayan Jeorge,
Una sa lahat salamat sa pagvisit mo sa blog ko. First and foremost wala akong nais tuligsain sa kanila. Nais ko lamang ibigay ang opinyon ko sa nangyayari sa hanay ng OFWs. Noon pa sanang 2004 election nagkaroon ng representative ang hanay na ito kung kumilos lamang sana ng tama, which is "magkaisa". Maybe to some, pagtuligsa itong aking ginagawa. Regarding GABRIELA WOMEN'S PARTY...can't say anything about it.
Anyway, FYI: Ang sinimulan ng PPP (Partido Pandaigdigang Pilipino) ay isang magandang simula ng OFWs na sana'y yumabong around the world.