Monday, February 5, 2007

I LEARNED MY LESSON


I posted a link ng ilang blogs na kapaki-pakinabang to be able na malaman ng iba na there are some sites worth seeing. Its not easy to recommend a blog site, kailangan alam mo talagang worth it ang pagrecommend mo. Unfortunately, may binura ako sa link ko. I just found out na ang blogger na inalis ko is not worth recommending.

Yes, he is good, smart and kwela. May sarili siyang kaharian na kanyang binabayaran. When I first met him, way back sa gov.ph, akala ko talagang ang puso niya ay for OFWs but I just found out na hindi totoo ang sinabi niyang "ginawa ko ang site na ito to help OFWs."

When I recommended his site, I was accused by him that I was acting as his agent. Would I earn some bucks recommending his site, for goodness sake, kahit singko di ako makikinabang sa pagrecommend. Buti sana kung bawat 'Click' ng site nya sa blog ko may pumapasok sa bank account ko.

Here in Israel, ilan lang Filipino ang may sariling computer. Their employer might have one but most of them are not allowed to use it. The only way to get some information is a weekly magazine. Ang tulad ko na part time columnist na may access sa internet, we tried to get some stuff na pakikinabangan ng Filipino community but it doesn't mean na swelduhan kami at malaki ang sahod namin. (kulang pang pambayad ng internet at phone bills) We just wanted to help the Filipino community by doing some noble work which is to share kung ano ang mababasa namin, balita man sa Pilipinas o kahit anong article na kapaki-pakinabang.

One day, I received a call from our associate editor at nagtanong siya kung saan makakakita ng articles na pweding pakinabangan ng ating mga kababayan. I told her to click one of my link sites, particularly yung binura ko, but I warned her na humingi muna ng pahintulot before she print an article. Then I also told her that I had dealings with this blogger before and I informed her kung ano ang deal namin noon so that she will not be lost dealing with this so called majesty. I did not intend to act as his agent and I would never act as one to anyone kahit kilala ko pa ang tao ng personal what more yung di ko talaga kilala.

My intention is cristal clear, nanghihinayang ako sa kanyang mga isinulat sa kanyang site, hindi nababasa ng mga tulad kong OFW, sayang lang diba. I wanted to share it to the whole Filipino Community here sa Israel thats the reason kung bakit ini-recommend ko ang site niya.

Meaning, mabubulok ang nakapost na articles sa kanyang site at di pakikinabangan ng mga OFWs na sinasabi niyang kanyang nais tulungan kaya darating ang araw siguradong mangangamoy ang kanyang kaharian.

I feel so disappointed sa kanyang accusation sa akin (acting as his agent? WHAT? Can you say that again? Did I hear you right?) Bakit nga ba may mga Filipinong nagsasabi na nais nilang tumulong ngunit hindi naman pala buong puso ang pagtulong na gustong ibigay. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil paurong ang kaisipan ng ilang OFWs lalo na yung may mga permanent residency or may dual citizenship, some of them act like they are above sa ibang Filipino kasi "green card holder".

Inilagay ko ang post na ito upang gisingin ang madami na hindi lahat ng nagsasabi na nais nilang tumulong ay totoo.

KABAYAN, magpakatotoo ka! Kung gusto mong tumulong sana bukal sa loob mo. Tunay na OFWs ang nandito sa Israel, ibig sabihin ng 'tunay' ay yoong galing sa masang Filipino, from the grassroots kung baga.

2 comments:

elaine said...

Saludo ako sa sinabi mo kabayang Ranie. Tulad mo napatunayan ko na di nga lahat ng sumisigaw na "I am for the Filipino and I want to help them" ay totoong bukal sa kalooban ang pagtulong. Maraming nagkukunwari mapalapad lamang ang kanilang pangalan sa publiko at maging sikat....parang pulitiko ano?
Ipagpatuloy mo ang magandang simulain....nasa likod mo ako!!!

ranie ashe said...

Salamat elaine...sa ika-uunlad ng Filipino maglingkod tayo ng totoo.