Thursday, January 25, 2007

Pighati Nang Isang Ina



(Don't know who wrote this but...ang galing at tumatalab talaga!!! Just change the title.)

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran, Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Ituloy mo ang pagbabasa ng kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga-rito, siguro talagang ganun. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, narape daw ako?

So tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siyang magsorry, lalo pa t kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka... may datung pa! Nakababaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako ng pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mbigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P***ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hongkong, Saudi at Israel ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhaya at kayamanan na itinabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak, wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak na naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa ri ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila kaso sila kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, ilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Lumipas na naman ang pasko, heto at bagong taon na naman, natatakot ako kung ano ang magiging kinabukasan ko. Ngayong lang usap-usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, binasa mo ang kwento ko.

Ay sorry, di ko pa pala nasabi pangalan ko...

PILIPINAS nga pala pangalan ko!


3 comments:

ranie ashe said...

Tanging pagkakaisa lamang ang daan tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Sana ay makamit natin ang ating hinahangad na pag-unlad. Mabuhay ang ating hanay.

joey mae said...

maganda ang pagksulat ng article.. saan mo nakuha at ano ang original title..?

...marami pa naman siyang anak na tunay na nagmamahal sa kanya.. ang mga anak niya na handa pa ring magbuwis ng buhay alang-alang sa kanyang ina.

...mga anak na patuloy na nakikipaglaban para ibangon ang kanyang dangal na daang taon ng niyuyurakan at ginagahasa ng mga dayuhan sa tulong ng iilan niyang mga alibughang anak.

... mga anak niya na papatid sa tanikalang gumagapos sa mahabang panahon para makamit ang TUNAY NA KALAYAAN.

... at para naman sa mga alibughang anak na nagbubugaw sa kanyang sariling ina ay dapat maparusahan para magising sa masama nilang gawi.

...MABUHAY ANG MGA ANAK NA NAGMAMAHAL, NAGTATANGGOL AT NAGBUBUWIS NG KANYANG BUHAY PARA SA PAGMAMAHAL SA KANYANG INA!

Mike said...

Thank you for re-posting my article.
Still pandering to your true sense of NATIONALISM.

If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES!

JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

"Minsan may Isang Puta" was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on film.