Showing posts with label Opinion. Show all posts
Showing posts with label Opinion. Show all posts

Friday, February 9, 2007

GOOD LUCK TO ALL

Mukhang ang OFWs ay uhaw na uhaw sa pagbabago ng takbo ng pulitika sa ating bansa. Makikita ngayon na ang mga Bagong Bayani ng Pilipinas ay naglalabasan at kumakandidato sa darating na hangalan…este halalan. Magmula sa Town Councilor hanggang Senate position ay makikita mo na may kandidatong nagsasabing sila ang kumakatawan sa OFWs. Ang kanilang pinaghirapang yaman na nakalaan sa kinabukasan ng kanilang pamilya ay gagawing puhunan upang makamit lamang ang minimithing pagbabago at kaunlaran ng ating bayan.

Ang pagpasok sa larangan ng politika sa Pilipinas ay hindi dapat minamadali ganun din ang pagbabago na hindi nakukuha sa sandaling panahon. Ngunit sa aking palagay ay…

Una; kulang sa makinarya ang hanay ng OFWs. Walang natatangin organisasyon na maaaring derektang sumuporta sa mga kandidatong OFWs. Mismong ang malalaking political party sa ating bansa ay hindi binigyan ng pakunwaring slots ang kandidatong ito, kahit pakunwari lamang gawing isang guest candidate, ma-administrasyon o oposisyon.

Pangalawa; kulang sa pagpaplano ang kanilang ginawang pagkandidato. Hindi sapat na mayroon kang gagamiting pondo sa pangangampanya. Kung ang iyong pangalan ay Aquino, Lopez, Enrile, Pimentel, Ejercito o ano mang kilalang political clan, wala kang dapat ipangamba ngunit kung hindi ka nabibilang sa mga ito kailangan mag-isip muna ng isang magandang estratehiya upang makamit ang tunay na hinahangad. Hindi na kinakagat ng botanteng Pilipino ang pagsigaw ng pagbabago, hindi ito sapat!

Pangatlo; wala akong nakikitang derektang pagkakaisa sa mga political groups ng OFWs. Tulad na lamang noong nakaraang election 2004, sangkatutak… sangkatirba… sandamakmak… ang kumandidatong Party List Representative ng OFWs upang makaupo sa Kongreso, ano ang nangyari? Naiwan sa kangkongan ang mga kumadidationg political party ng OFWs, ni-isa sa kanila ay wala man lamang nakapasok sa Kongreso. Kung nagkaroon sana ng pagkakaisa ang hanay na ito, nasimulan na sana natin noong 2004 na magkaroon ng boses sa ating pamahalaan. Kanya-kanyang pataasan ng ihi, kanya-kanyang sigaw na sila ang kumakatawan sa hanay ng OFWs. Ang nangyari, tuwang tuwa ang malalaking political parties dahil nakasisiguro silang walang makapapasok at dahil dito walang kukontra pagdating sa bulwagan ng Kongreso sa mga Bills na kanilang ipapasok para sa kapakanan ng kanilang partido o nang sarili.

Madami pang dahilan ang maaaring pumasok sa ating isipan upang pigilan ang mga OFW candidate dahil parang sasabak sila sa isang giyera ng walang dalang sandata kundi ang paninindigan na tumulong para sa ika-uunlad ng Inang bayan. Ngunit ano nga ba ang ating magagawa kung ayaw makinig at di mahikayat na huwag munang kumandidato? Isang bagay lang ang dapat nating gawin, suportahan sila sa abot ng ating makakaya at maghanda sa susunod pang laban.

Sa lahat nang kandidato na nabibilang sa hanay ng OFWs, nawa’y makamit natin ang tagumpay at manalo sa darating na Mayo. At sa lahat ng botante, sana'y gamitin natin ang ating boto tungo sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.

Monday, February 5, 2007

I LEARNED MY LESSON


I posted a link ng ilang blogs na kapaki-pakinabang to be able na malaman ng iba na there are some sites worth seeing. Its not easy to recommend a blog site, kailangan alam mo talagang worth it ang pagrecommend mo. Unfortunately, may binura ako sa link ko. I just found out na ang blogger na inalis ko is not worth recommending.

Yes, he is good, smart and kwela. May sarili siyang kaharian na kanyang binabayaran. When I first met him, way back sa gov.ph, akala ko talagang ang puso niya ay for OFWs but I just found out na hindi totoo ang sinabi niyang "ginawa ko ang site na ito to help OFWs."

When I recommended his site, I was accused by him that I was acting as his agent. Would I earn some bucks recommending his site, for goodness sake, kahit singko di ako makikinabang sa pagrecommend. Buti sana kung bawat 'Click' ng site nya sa blog ko may pumapasok sa bank account ko.

Here in Israel, ilan lang Filipino ang may sariling computer. Their employer might have one but most of them are not allowed to use it. The only way to get some information is a weekly magazine. Ang tulad ko na part time columnist na may access sa internet, we tried to get some stuff na pakikinabangan ng Filipino community but it doesn't mean na swelduhan kami at malaki ang sahod namin. (kulang pang pambayad ng internet at phone bills) We just wanted to help the Filipino community by doing some noble work which is to share kung ano ang mababasa namin, balita man sa Pilipinas o kahit anong article na kapaki-pakinabang.

One day, I received a call from our associate editor at nagtanong siya kung saan makakakita ng articles na pweding pakinabangan ng ating mga kababayan. I told her to click one of my link sites, particularly yung binura ko, but I warned her na humingi muna ng pahintulot before she print an article. Then I also told her that I had dealings with this blogger before and I informed her kung ano ang deal namin noon so that she will not be lost dealing with this so called majesty. I did not intend to act as his agent and I would never act as one to anyone kahit kilala ko pa ang tao ng personal what more yung di ko talaga kilala.

My intention is cristal clear, nanghihinayang ako sa kanyang mga isinulat sa kanyang site, hindi nababasa ng mga tulad kong OFW, sayang lang diba. I wanted to share it to the whole Filipino Community here sa Israel thats the reason kung bakit ini-recommend ko ang site niya.

Meaning, mabubulok ang nakapost na articles sa kanyang site at di pakikinabangan ng mga OFWs na sinasabi niyang kanyang nais tulungan kaya darating ang araw siguradong mangangamoy ang kanyang kaharian.

I feel so disappointed sa kanyang accusation sa akin (acting as his agent? WHAT? Can you say that again? Did I hear you right?) Bakit nga ba may mga Filipinong nagsasabi na nais nilang tumulong ngunit hindi naman pala buong puso ang pagtulong na gustong ibigay. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil paurong ang kaisipan ng ilang OFWs lalo na yung may mga permanent residency or may dual citizenship, some of them act like they are above sa ibang Filipino kasi "green card holder".

Inilagay ko ang post na ito upang gisingin ang madami na hindi lahat ng nagsasabi na nais nilang tumulong ay totoo.

KABAYAN, magpakatotoo ka! Kung gusto mong tumulong sana bukal sa loob mo. Tunay na OFWs ang nandito sa Israel, ibig sabihin ng 'tunay' ay yoong galing sa masang Filipino, from the grassroots kung baga.

Thursday, February 1, 2007

TUNAY NA PAGLILINGKOD...DAPAT TULARAN


Press Statement
01 February 2007

Tanging Hangarin ni Cong. Erin Tañada:
Pagsilbihan pa rin ang mga Kababayan sa Ika-4 na Distrito

Lubos akong nagpapasalamat sa aking mga kasamahan sa Liberal Party sa matibay na pananalig nila sa aking kakakayanan upang maging bahagi ng natatanging senatorial slate ng Partido.

Sa gitna ng matinding hamon sa Liberal Party na harapin ang samut-saring mga isyung na kinasasadlakan ng ating bansa ngayon, naghuhumiyao din, sa kabilang banda, ang pagsusumamo ng aking mga kababayan na tugunan pa ang kanilang pangangailangan ng isang lider na tunay na magsisilbi sa kanila.

Ang pangarap na ibangon muli ang Ika-4 na Distrito ay nasimulan na sa aking termino. Ako ay nakakapagdala ng mga proyekto at serbisyo na nagbibigay naman ng kakaibang sigla sa mga bayan ng Atimonan, Alabat, Perez, Quezon, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag, Guinayangan, at Tagkawayan.

Sa nalalapit na eleksyon, ito pa rin ang hamon sa akin!

Hindi pa tapos ang laban ng aking distrito. Masyadong maiksi ang tatlong taon para pagsilbihan ang aking mga kababayan, marami pang dapat gawin at paunlarin. Pagtataguyod ng kalusugan, suporta sa edukasyon at pagsasagawa ng mga programang inprastruktura na pauunlarin ang pagdaloy ng mga natatanging produkto ng aking distrito.

Subalit, ang pagsisilbi naman sa mamamayang Pilipino ay hindi kailanman natatapos sa pagnanais kong manatili munang magsilbi bilang isang Kongresista sa Ika-4 na distrito.

Sa kabilang banda, nananatili sa aking adyenda ang pakikibaka para sa pagbawi ng coco levy fund na dapat sana’y nasa kamay na ng ating mga kababayang magniniyog at ang pagtataguyod ng interes at kagalingan ng mga mangingisda sa aking pagsusulong ng pag-amyenda ng Fisheries Code. Ito ay mga pambansang isyu na kailangan din harapin dahil interes din ito ng aking mga kababayang magsasaka at mangingisda.

Hindi kailanman mapapantayan ang aking kagalakan sa ibinigay na tiwala sa aking mga kapartido. Ngunit, sa aking pagtanggi sa nominasyon, baon ko pa rin ang tiwalang iginawad nila sa akin para ipagpatuloy ang mga simulain at mga hinaharap pang mga gawain para sa kaunlaran ng Ika-4 na distrito ng Quezon.

ERIN R. TAÑADA
4TH District, Quezon



Isang magandang halimbawa ang ginawa ng aking kababayang kongresista sa kanyang pagdecline sa nomination to run for senator.

Ang dahilan ng hindi niya pagtanggap sa nominasyon ay upang muling paglingkuran ang kanyang distritong nasasakupan. Mula sa kanya, hindi daw sapat ang isang termino upang maipakita ang tunay na hangaring maglingkod sa mamamayan. Pinili niyang muling kumandidato sa pagka-Kongresista ng ika-apat na distrito ng Quezon upang ang kanyang mga nasimulang proyekto ay maipagpatuloy at ang iba pangbalakin ay magkaroon ng katuparan.

Sana ay maging isang halimbawa ang ginawa niyang ito sa mga nagnanais kumandidato.

Madaming lumalabas na kilalang tao ang nagpapahayag sa pagkandidato ngunit hindi makita kung ano tunay na hangarin ng mga ito. Kung hindi ang paglilingkod ang tunay na dahilan, sana ay makonsensya sila at wag nang kumandidato. At kung hindi naman sila mapipigilan, sana ay magkaroon ng tamang pagpili ang mga boboto ngayong Mayo.

Hindi sapat na kilala mo ang isang kandidato kundi makita mo kung ano ang tunay na hangarin ng mga ito. Hindi sapat na sikat at kilalang tao ang isang kandidato kundi dapat ay alam natin kung may magagawa ang mga ito. Hindi sapat na oposisyon ang partidong kinabibilangan, kundi ang tunay na paninindigan na mapaglingkuran ang mamamayan.

Panahon na upang pumili tayo ng tamang kandidato ngayong darating na May election.

Tuesday, January 30, 2007

WALA NA BANG IBA!!!




Mukhang walang mababago pagdating sa larangan ng pulitika sa ating bansa. Heto at naglalabasan na ang mga kandidato sa darating na election sa Mayo at ang masasabi ko; “SILA NA NAMAN!!!”.

This is how Philippine politics goes, pagkatapos ng ama, asawa naman. Pag hindi pwedi ang asawa siguradong anak ang ibabanat wag lang maalis sa pwesto ang kanilang pamilya. Minsan kapag ang ama ay congressman, asawa ay mayor, anak ay governor at ang tiyo ay senador. Wala na ba talagang ibang maaaring maglingkod sa atin kundi ang mga ito?

I have nothing against or anything on these politicians but sometimes I am wondering kung bakit walang nababago sa mga pangalan ng kandidato. Kaya pati takbo ng pulitika sa atin walang nababago.

Until now the sector of OFWs doesn’t realize how important their votes in Philippine politics today. It can and it will be the biggest voice among Filipinos. If only these sector of Philippine society can come together and form their own political party to change the eroding credibility of our politicians, there might be a bit of change.

On the last national election, there are dozen of OFW groups that filed their candidacy to get a congressional set. Trapos enjoyed this kind of division amongst our ranks. If this division goes on and on, we will never have a representative in Phil. congress and our voice will never be heard.

Kung hindi natin kayang gawin ngayong 2007 election, wag natin pilitin but what we can do is start organizing ourselves for the future election. Katulad sa US, katatapos lang ng election panibagong election na naman ang pinag-uusapan. Abala na agad ang bawat partido sa pagbuild ng kanilang kadidato.

Hindi tayo tulad ng mga artista na mayroong pangalang particular na sa masang Filipino. Tulad ng paggawa ng isang bahay, pundasyon muna ang ating gawin bago natin ilatag ang susunod na hakbang. Sa pagkakaroon ng matibay na pundasyon, magiging matibay din ang ating gagawing pagkilos.

We have the numbers but what we don’t have is the will and the ways to win. We have an objective but the ‘how?’ to reach the objective, wala sa atin.

Paano nga ba kabayan?

Friday, January 26, 2007

Patriotism & Nationalism


The Constitution provides that all educational institutions should “inculcate patriotism and nationalism, foster love of humanity, respect for human rights, appreciation of the role of national heroes in the historical development of the country," said Escudero.
Section 3 of Article XIV of the Constitution also declares that schools should teach "the rights and duties of citizenship, strengthen ethical and spiritual values, develop moral character and personal discipline, encourage critical and creative thinking, broaden scientific and technological knowledge, and promote vocational efficiency,” he said.
(taken from Inquirer News: Include patriotism, nationalism in RP textbooks urges solon.)

This will be a great move para sa ating mga Filipino. All I see from young Filipinos, especially dun sa mga nasa college, they are eyeing to go abroad and once na nakarating sila they never look back. Their minds are set to settle abroad for greener pasture, it means what they earn stays sa bansang kanilang pinuntahan, maybe a little will go back to our country but definitely most of their earnigs will be spent on the same country. Even my little son, at the age of 7 he wanted to go to US when he grows up.

As a father, I am trying my best to teach him patriotism and nationalism at his young age. Even though it is too early to say that he will understand what I am trying to tell him. But I am not pushing it hard. Ito ang isang tungkulin ko bilang isang magulang at isang Filipino and I hope other parents will do their share.

Tulad na lamang ng isang kaibigan dito sa Israel, sinasabihan niya ang kanyang mga anak na mag-aral na mabuti upang pagkagraduate ng mga ito ay makarating agad sa ibang bansa. Naniniwala siya na tanging ang pangingibang bansa ang paraan upang mabago ang takbo ng kinabukasan. Madami din dito ang nagnanais makalipat sa Canada or London dahil they have a chance to get an immigrant visa after a few years of staying in that country. And they are planning ahead to get their whole family to settle abroad.

Hindi ko naman masisi ang mga kabataang ito, they are losing hope sa mga kaganapan sa ating bansa. But instead of looking for an answer, they are running away from the problem. Working abroad and settling abroad are two different things. I hope young Filipinos will see it the way I see it.

As a parent, we can help and make it happen. Ituro natin sa mga ating anak na stepping stones lamang ang pangingibang bansa dahil kahit anong papel ang ipagkaloob sa atin bilang pagkilala as immigrant sa ibang bansa, Filipino pa rin tayo at panghabang-buhay na magiging isang dayuhan sa bansang ating titigilan.

"There is no place like home."

Tuesday, January 23, 2007

THEY ARE THE REASON...


These two little ones are the reason kung bakit ako nangibang-bansa. Ang kinabukasan nila ang tanging priority sa aking buhay. Mula ng sila ay dumating sa mundong ito, nagbago ang lahat ng aking pananaw. Hindi na pansariling kapakanan ang nasa aking isipan.
Sila din ang dahilan kung bakit nakakaya kong tumagal dito sa ibayong dagat. Sapat na ang kanilang tawa, kanta ng bunso kong binata na at malaman na they are both doing great in school sa tuwing kami ay mag-uusap sa pamamagitan ng internet. Mga katagang "I missed you & I love you Daddy" na nagbibigay sa akin ng inspirasyon sa pang-araw-araw na trabaho.
Ngunit ilan ang tulad ko ang dahilan ng pangingibang-bansa? Siguro halos lahat sa atin ay kinabukasan ng pamilya ang dahilan.
Ngunit sa kabila ng dahilang ito, hindi ko nakakalimutan na mayroon pa akong isang tungkulin na dapat gampanan, ito ay ang pagiging isang Filipino. Tulad ng mga nakasulat sa iba kong post, hindi kailan man uunlad ang buhay ng Filipino kung ang ekonomiya ng ating bansa ay di mababago.
Ilang OFWs na ang sumubok na magnegosyo, ngunit kalaunan ay kinakain ng mas malalaking negosyo. Sino ang nakikinabang sa bilyong dolyar na remittance natin taon-taon? Walang iba kundi ang mayayamang negosyante. Mga negosyante na naka-upo din sa ating gobyerno. Mga taong gobyerno na ang sariling kapakanan ang nasa isipan, proteksyon sa kanilang yaman ang pangunahing dahilan ng pagtakbo sa larangan ng pulitika.
Bilyon Dolyar ang remittance na maaaring mismo tayong mga OFWs ang siyang nakikinabang at hindi ang dati nang mayayaman. Hindi ba't tuwing lalapit tayo upang mangutang ng karagdagang puhunan sa ilang bangko ay hindi natin pwedi sabihing "sampung taon akong nagpakahirap magpadala ng remittance thru your bank, baka pweding i-waive nyo ng konti ang requirements ko dahil nakinabang na kayo." Ngunit kung mismong tayong OFWs ang nagmamay-ari ng sariling bangko, hindi imposible na magkaroon ng ganitong pangyayari dahil isa ka sa mga nagmamay-ari nito.
Madami ang magsasabi na mahirap gawin ang aking suhestiyon, "ngunit hindi imposible" yan ang sagot ko sa kanila. Ang mahirap sa atin ay ang magkaisa at ito ang ikinatutuwa ng mayayamang negosyante dahil sa oras na mangyari ang suhestiyon na ito, malaki ang mawawala sa kanilang kinikita. Hindi lang malaki kundi siyam na milyong costumer ang mawawala sa kanilang negosyo.
Kung nagawa ni Muhammad Yunus ang kaniyang proyekto, bakit di natin ito tularan? Tulad ng sinabi isang CEO, to be a great entreprenuer you should know what you want to do and your objective, work hard and strive for it.
Nagawa na ng ibang tao, Pinoy kaya din natin ito. Unang hakbang lamang ay ang magkaisa tayo alang-alang sa 'REASON' kung bakit tayo isang OFW.

Friday, January 19, 2007

OFWs...Sleeping Giant ng Pilipinas.

Ang OFW ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang nagbibigay ng kunting kaunlaran sa ating bayan. Ngunit kung ating titingnan ang kalagayan ng buhay ng mga OFWs, tila yata mas madami pa ang bigo sa tagumpay.

Tila yata paulit ulit lang ang takbo ng kanilang buhay. Unang aalis ang ama upang magtrabaho sa abroad. Pag-aaralin ang kanilang mga anak at pagkatapos ng mga ito, sila naman ang papalit sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kung ating susuriin at aanalisahin, ang sektor ng OFWs ay isang pwersa na maaaring isang malaking factor sa pagboto ng tamang gobyerno sa darating na panahon. Sa kasalukuyan, mayroong 9 na milyong OFWs sa iba't ibang panig ng mundo, it means if we multiply it by 3 we have 27million votes kung magkakaisa ang mga ito. As I remember, 24million votes is enough to elect a president in the Philippines, kung hindi po ako nagkakamali.

Ngunit kung ating pagmamasdan ang nagaganap sa sekto na ito, walang pagkakaisa. Kanya-kanyang takbo ng buhay. Madami din ang walang pakialam o ayaw makialam sa sector ng lipunan, sapat na ang kumita ng dolyar at makitang nabibili ang kanilang gusto. Tulad na lamang sa Kongreso, walang kinatawan dahil sa daming gusto maging representative ang kanilang grupo, madami ang tumakbo sa nakaraang eleksyon. Bakit hindi bumuo ng pangkalahatang organisasyon upang isa lamang ang ibobotong representative ng lahat ng OFWs. Isa itong paraan upang magkaroon ng sapat na boses ang hanay na ito.

OFWs ang isang sektor ng lipunan na tatawagin kong sleeping giant ng Pilipinas. Ngunit kailan kaya tayo magigising upang magkaisa? Kailan tayo kikilos upang madinig ang ating boses sa lipunan? Hanggang kailan tayo matutulog at manatiling nangangarap?

Ikaw Kabayan, natutulog ka ba?